^

Bansa

Manok sa ilang fast food chains hindi available; ‘limited supply’ itinuro

Philstar.com
Manok sa ilang fast food chains hindi available; âlimited supplyâ itinuro
Composite photo shows Jollibee's Chicken Joy.
Mula sa Facebook page ng Jolibee

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng fast-food giants na Jollibee Group at McDonald’s Philippines na ilan sa kanilang mga outlet stores ay nakakaranas ng pagbaba sa supply ng manok — dahilan para magkaroon sila ng problema sa paghahain ng ilang pagkain.

Marami ang dismayado ngayon sa naging pahayag ng Jollibee ukol sa pinakamabenta nitong Chickenjoy na hindi available sa ilang branches. Pagbibigay diin nila, lumalalim ang problema sa supply chain na mas lumitaw sa post-pandemic period. 

“Due to continued increase in consumer demand and limited chicken supply in the market that meets our high quality standards, a small number of stores of Jollibee and Mang Inasal are unable to serve some chicken orders,” ani Jollibee Group sa isang pahayag, Miyerkules.

Naapektuhan din ng problema ang karibal ng Jollibee. Sa ulat ng Bloomberg News, sinabing ang ilang outlet ng McDonald's Philippines ay "temporarily" hindi nakakapagbenta ng mga pagkain na may manok, ayon sa isang tagapagsalita ng kumpanya.

Giitt naman ng Jollibee Group, “already improving" naman na raw ang kanilang suplay. 

"We are continuously working with suppliers to address the immediate demand. We are confident that these select branches will be able to fully serve their customers’ chicken orders soon.” dagdag pa ng Jollibee Group.

Problema sa supply

Sinabi ng pangulo ng United Broilers and Raisers Association na si Elias Jose Inciong sa Inquirer na may iba't ibang factor dito, kabilang ang kalidad ng mga feeds, tumataas na halaga ng feed input, at mga mamimili na umiwas sa mga produktong karne, ay nakaapekto sa supply ng manok sa bansa.

Gayunpaman sinabi niya na masyadong maaga upang sabihin kung mayroong kakulangan sa buong bansa o wala.

Ani Inciong, ang mga hamon sa pagkuha ng mga de kalidad na feeds tulad ng soya at mais, na pinalala ng digmaang Russia-Ukraine, ay nagresulta sa mababang output at mababang kalidad ng manok.

Nabanggit rin niyang ang mga presyo ng mais at toyo sa lokal na pamilihan ay mas mataas. Ang mais na pangunahing pagkain sunod sa bigas, ay nagsisilbing pangunahing sangkap sa paggawa ng mga feeds ng hayop.

Mayroon din silang problema sa kalidad ng feeds at higit pa doon ay ang katotohanan na ito ay mas magastos. Inaangkat pa rin daw ng Pilipinas ng soya. Sa kabilang banda, mas gusto ng mga broiler raisers ang local corn kaysa sa mga imported, partikular na ang dilaw na mais dahil sa mga katangian nitong "high energy".

Sa panayam ng GMA News kay dating Department of Agriculture Undersecretary Fermin Adriano, kung hindi mareresolba ang problema sa pagkain ng manok ay tatas din ang presyo o mababa na ang quality ng mabibiling manok sa merkado.

“Kung hindi natin masosolve yung pagkain ng manok… dalawang bagay lang ‘yan. Tataas presyo ng chicken o yung chicken na binibili mo maliit at ano, mababa ang quality. Makikita natin tumaas na ng P200, P210 yan e”.

Tinitignan din ni Inciong ang malaking impact ng African swine fever sa mga alagang hayop kaya nagkakaroon ng shortage sa pagproduce ng manok. 

“Unfortunately, it’s a long story but the problem is that corn farmers for the last two years have no confidence in producing because the African swine fever had a huge impact on their market,” paliwanag pa ni Inciong.

ASF factor

Sinabi ni Inciong na ang pagsiklab ng ASF na tumama sa bansa noong 2019 ay humantong sa labis na suplay at malaking bahagi ng kanilang merkado, na binubuo ng mga hog raisers, ay nabura dahil sa nasabing sakit ng hayop.

Binanggit din niya ang pressure sa kanila na gumawa ng mas maraming manok dahil sa "increasing shift" sa baboy patungo sa manok sa mga mamimili.

Nahihirapan na raw silang tugunan ang demand ng manok na tumaas dahil mas mahal ang mga produktong baboy.

Ipinaliwanag niya sa panayam na ang kanilang production cycle ay 30 hanggang 35 araw mula loading hanggang ani. Gayunpaman, dahil mas matagal kaysa karaniwan ang paglaki ng mga manok, naapektuhan ang lokal na suplay. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan at may mga ulat mula sa The STAR/Iris Gonzales

CHICKEN

JOLIBEE

MCDONALD'S

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with