^

Bansa

Dayuhan tiklo sa QC sa P272-M halaga ng shabu

Philstar.com
Dayuhan tiklo sa QC sa P272-M halaga ng shabu
File photo ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr.
The STAR/Joven Cagande, File

MANILA, Philippines — Arestado ang isang 33-anyos na Chinese national sa joint anti-illegal drug operation sa Barangay Lourdes, Quezon City, Linggo ng umaga, ika-3 ng Hulyo.

Ito'y matapos ang isinagawang buy-bust operation ng mga taga-IFLD kasama ang PDEA RO NCR SDO, PDEA IIS, PDEA RONNCR QCDO, TEAM NAVY, TASK FORCE NOAH, ISAFP, NICA, QCPD STN 1, at SDEU LA LOMA na nagresulta sa pagkakaaresto ng isang kinilalang JiaCai Zhu.

Ayon sa listahan ng PNP, ang drug suspect ay residente ng Sta. Cruz, Maynila.

"The arrested person is reportedly engaged in drug activities in the country involving some local players. In fact, a huge amount of illegal drugs was seized during the search," ani PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr. sa isang pahayag.

Narekober sa operasyon ng mga awtoridad ang humigit kumulang 40 kilo ng shabu na tinatayang nasa P272 milyon ang street value.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang dayuhang suspek.

Samantala tiklo rin sa buy-bust operation ang isang 34-year old na lalaki sa Bacolod City, Sabado ng gabi. 

Inaresto ng operating unit ng Police Station 5 (PS5) at City Drug Enforcement Unit (CDEU) Bacolod City Police Office (BCPO) si Pranisa Anlap Ereneo dakong alas-7:25 ng gabi sa Purok Masinadyahon Rawslawn, Brgy. Bata, Bacolod City, Negros Occidental.

Nakumpiska mula sa suspek ang humigit kumulang 60 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halaga ng SDP na P408,000, mga drug paraphernalia, isang black coin purse, isang black pouch, at ang buy-bust money.

Kabilaan ang drug operations na isinasagawa ng PNP matapos ang Luzon-wide police crackdown na nagbunga ng mahigit P4.4 milyong halaga ng shabung nakompiska gayundin ang matagumpay na pag-aresto sa isang high value drug personality at isang indibidwal na kinasuhan ng paglabag sa RA 10591 o Comprehensive Law on Firearms. — Philstar.com intern John Vincent Pagaduan  

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

QUEZON CITY

SHABU

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with