^

Bansa

1,243 bagong COVID-19 cases naitala

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
1,243 bagong COVID-19 cases naitala
Sa pinakahuling datos ng DOH, nasa 8,706 ang kabuuang aktibong kaso matapos makapagtala pa ng panibagong 835 mula sa 7,871 na naitala noong nakaraang araw.
Philstar.com / Irish Lising

MANILA, Philippines — Highest daily tally mula Pebrero Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 1,243 bagong kaso ng COVID-19 noong Biyernes, na pinakamataas sa arawang tally simula nitong nakalipas na Pebrero.

Ang nasabing bilang ang nag-akyat sa 3,705,649 ang nationwide tally.

Sa pinakahuling datos ng DOH, nasa 8,706 ang kabuuang aktibong kaso matapos makapagtala pa ng panibagong 835 mula sa 7,871 na naitala noong nakaraang araw.

Samantala, umakyat naman sa 3,636,378 ang mga nakarekober habang 60,565 ang naitalang namatay.

Sa nakalipas na dalawang linggo, ang National Capital Region ang nangungunang rehiyon na may kaso ng COVID-19 na may 5,120, sinundan ng Calabarzon na may 1,832, Western Visayas na may 898, Central Luzon na may 727, at Central Visayas na may 488.

Binanggit din ng DOH na nasa 18.3% ang bed occupancy rate kung saan 5,339 beds ang occupied habang 23,914 beds ang bakante.

DOH

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with