^

Bansa

COVID-19 vaccine sa 5-anyos pababa, inaaral na

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
COVID-19 vaccine sa 5-anyos pababa, inaaral na
A health worker prepares a dose of the BioNtech Pfizer Covid-19 vaccine during a vaccination for seafarers at a stadium in Manila.
FP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Pinag-aaralan na rin ng gobyerno ang posibilidad ng pagbibigay ng COVID-19 vaccine sa mga bata na may edad limang taon pababa, ayon sa isang opisyal ng National Vaccination Operations Center (NVOC).

“Aaralin nang husto. Depends sa studies abroad and if may vaccines although some include below 5 years old. We will see sino may EUA (emergency use authorization) at ano ire-recommend ng HTAC (Health Technology Assessment Council),” ayon kay NVOC chairperson Myrna Cabotaje.

Ito ay makaraan na mag-umpisa na ang Estados Unidos sa pagbakuna sa mga bata na anim na buwan hanggang limang taong gulang makaraang aprubahan na ng US Food and Drug Administration ang EUA ng Pfizer vaccine para magamit.

Titignan din ng pamahalaan kung magkakaroon ang bansa ng suplay ng bakuna na ibinibigay sa mga bata sa Amerika.

Kamakailan, inumpisahan na ng pamahalaan ang pagbibigay ng booster shot sa mga ‘immunocompromised’ na bata na may edad 12-17 taong gulang. Nakatakdang isunod na rin ang iba pang mga adolescent sa naturang age group.

NVOC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with