Full face-to-face classes sa Agosto, ipatutupad ni Sara

Inihayag ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio na ang pagbabalik sa F2F ng mga estud­yante ang isa sa kaniyang mga ipatutupad sa napi­pintong pag-upo niya sa DepEd.
Philstar.com / Gladys Cruz

MANILA, Philippines — Nais ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio na ipatupad ang 100% face-to-face classes sa Agosto kapag pormal na siyang umupo bilang Kalihim ng Department of Education (DepEd).

Si Duterte-Carpio ay nanumpa na sa tungkulin kahapon sa ginanap na inagurasyon ng presidential daughter sa San Pedro Square sa Davao City kung saan magsisimula na ang unang araw nito bilang Bise Presidente sa darating na Hulyo 1.

Ayon kay Duterte-Carpio, target niyang maiimplementa ang ‘full F2F’ sa pagbabalik eskuwela sa darating na Agosto

Sinabi ni Duterte-Carpio, nagpalitan na sila ng liham ng komunikasyon ni outgoing DepEd Secretary Leonor Briones para sa transisyon sa DepEd.

Inihayag ni Duterte-Carpio na ang pagbabalik sa F2F ng mga estud­yante ang isa sa kaniyang mga ipatutupad sa napi­pintong pag-upo niya sa DepEd.

Show comments