^

Bansa

Tuloy ang ­paglilitis kay De Lima – DOJ

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Tuloy ang paglilitis kay outgoing Sen. Leila De Lima sa kabila ng pagbawi ng testimonya ng ilang mga nag-akusa at nag-ugnay sa kanya sa transaksiyon ng iligal na droga sa New Bilibid Prison, ayon sa Department of Justice (DOJ), kahapon.

Sinabi ni Justice Secretary Menardo Guevarra, matapos ang pagsusuri sa mga ebidensya na naipri­sinta na sa korte at mga hindi pa naipi-prisinta, may sapat umanong dahilan ang ‘panel of prosecutors’ na irekomenda sa kaniya na ituloy ang mga kaso laban kay De Lima.

Hangga’t hindi naihaharap sa korte para sa cross examination ang mga indibiduwal na bumawi ng kanilang testimoniya laban kay De Lima ay wala itong bigat sa kaso, ayon kay Guevarra.

Kabilang sa mga umatras na saksi ng pamahalaan ang kanilang star witness na si ‘self-confessed drug lord’ Kerwin Espinosa, dating Bureau of Corrections officer Rafael Ragos at Ronnie Dayan, ang driver ng senadora.

“In any event, the final say on the disposition of the cases rests on the judge alone and no other,” saad pa ni Guevarra.

DOJ

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user