^

Bansa

Permanent validity ng birth, death, marriage certificates aprub na

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Permanent validity ng birth, death, marriage certificates aprub na
Sa botong 21 na yes at walang tutol ay inaprubahan ang Senate Bill 2450 o ang Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death and Marriage Act na iniakda ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.
infoagetravel.ciit.edu.ph

MANILA, Philippines — Inaprubahan na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Senado ang panukalang nagbibigay ng permanenteng validity sa birth, death at marriage certificates.

Sa botong 21 na yes at walang tutol ay inaprubahan ang Senate Bill 2450 o ang Permanent Validity of the Certificates of Live Birth, Death and Marriage Act na iniakda ni Senador Ramon “Bong” Revilla Jr.

Sa ilalim ng panukala, ang nasabing mga certificate na inisyu, nilagdaan, certified o authenticated ng Philippine Statistics Authority, gayundin sa National Statistics Office, local civil registries ay magkakaroon ng permanent validity kahit anong petsa pa ito inisyu.

Kailangan itong kila­lanin at tanggapin ng lahat ng government o private transactions o mga serbis­yong kinakailangan nito bilang pagkakakilanlan at legal status ng isang indibiduwal.

Itinatakda naman sa panukala na kailangan na ang naturang mga dokumento ay dapat ‘intact”, nababasa at malinaw ang nilalaman ng authenticity at security features.

Nakasaad pa rito na ang permanent validity ng Certificates of Marriage ay applicable lamang kung ang kasal ay hindi pa annulled o hindi pa nadedeklara ng void ab initio na itinatakda sa ilalim ng Fa­mily Code of the Philippines o anuman amendatory law patungkol sa kasal.

Ipinagbabawal din sa ilalim ng panukala sa lahat ng government offices, pribadong kumpanya, schools at non-government entities sa pagre require ng bagong isyu ng birth, death o marriage certificates para sa pakikipag-transaksyon sa kanila.

 

MARRIAGE CERTIFICATES

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with