^

Bansa

Omicron ‘variant of concern’, natukoy sa Pinoy mula Middle East

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Kinumpirma ng Department of Health (DOH) nitong Sabado na isang Pinoy na nanggaling sa Middle East nitong unang bahagi ng buwan, ang natukoy na infected ng Omicron subvariant BA.4, na itinuturing na variant of concern (VOC) ng European Centre for Disease Prevention and Control (ECDC).

Sinabi ng DOH na ang lalaki ay dumating sa bansa noong Mayo 4 at noong Mayo 8 ay natuklasang positibo siya sa naturang subvariant ng Omicron. Asymptomatic naman umano ang pasyente.

Sinabi pa ng DOH na nakikita ng ECDC ang BA.4 bilang ‘variant of concern’ dahil sa posibilidad na mas mabilis itong kumalat o di kaya ay maaaring magdulot ng mas malalang karamdaman.

Babala pa ng DOH, dapat na maging maingat ang lahat dahil ang naturang subvariant ay maaaring magresulta sa pagdaming muli ng mga kaso ng virus sa bansa.

Apela ng DOH sa publiko, magtungo na sa pinakamalapit na vaccination site at magpabakuna ng primary series at magpaturok ng booster shots sa lalong mada­ling panahon.

Mahigpit din ang paalala ng DOH sa mga mamamayan na patuloy na sundin ang minimum public health standards, gaya nang pagsusuot ng face mask, madalas na paghuhugas ng kamay, at pag-obserba sa social distancing.

Noong Martes, una nang iniulat ng DOH na nakapagtala na sila ng local transmission ng Omicron subvariant BA.2.12.1 sa bansa pero wala pang community transmission ng naturang virus.

ECDC

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with