^

Bansa

Canvassing of votes ng Presidente, VP ikinasa ng Senado, Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Canvassing of votes ng Presidente, VP ikinasa ng Senado, Kamara
Isinagawa ka­hapon ng Comelec officers ang final tabulation ng mga Certificates of Canvass (COC) para sa pagka-senador bago ang pormal na proklamasyon ng 12 winning senators na gagawin ngayon sa Philippine International Convention Center (PICC), Pasay City.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagpulong na ang mga Senador at Kongresista sa isasagawang pagha­handa para sa canvassing ng boto ng Presidente at Bise Presidente na gaganapin sa Mababang Kapulungan ng Kongreso umpisa sa Martes, Mayo 24 hanggang 27.

Sina House Secretary General Llandro Mendoza at mga opisyal ng Senado sa pangunguna ni Senate Secretary Atty. Myra Marie Villarica ay nagsagawa ng online meeting kung saan tinalakay ang paglilipat ng mga ballot boxes na naglalaman ng Certificate of Canvass (COCs) at Election Returns (ERs) mula sa Senado patungo sa Kamara sa Lunes, Mayo 23.

Sinabi ni House Deputy Secretary General for Legal Affairs Atty. Annalou Nachura na maglalaan ang Kamara ng espasyo para paglagyan ng mga bibila­nging COCs at ERs.

Alinsunod sa 1987 Constitution ay kailangang mabuksan na ang lahat ng mga certificates sa harapan ng Senado at Kamara sa joint public session sa loob ng 30 araw matapos ang halalan.

“The CCS machine initialized last May 9 by Senate President Vicente Sotto III and Speaker Lord Allan Velasco will receive the COCs from the provinces, cities and overseas. Secretary-General Mendoza said that on May 24, the canvassing will take place starting at 2pm, while from May 25 to 27, the canvassing will last from 10am to 10pm”, anang opisyal.

COC

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with
no session for state
no session for code
no session for id_token
no session for user