^

Bansa

Problemang kinaharap sa 2022 elections ‘di na mauulit

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
Problemang kinaharap sa 2022 elections âdi na mauulit
COMELEC staff assist early bird voters in Christ the King Seminary in Quezon City on May 9, 2022.
Philstar.com / Jazmin Tabuena

MANILA, Philippines — Nangako si Commis­sion on Elections (Comelec) Commissioner George Garcia na hindi na mauulit ang mga problema na kinaharap nga­yong 2022 National at Local Elections sa susunod na halalan sa 2025. 

Sinabi ni Garcia na ang pangunahing problemang kinaharap nila ay ang napakahabang pila at mga nagloloko na ‘vote counting machines (VCMs)’.

“Sa 2025, anuman ang naranasan natin ng mga nakaraan, dapat hindi na muling mararanasan ito,” ani Garcia.

Una niyang inamin na nasa 1,800 VCMs ang nag­loko sa pag-uumpisa pa lamang ng halalan at sa kalagitnaan ng botohan na nagdulot ng mahahabang pila sa mga presinto. 

Sinabi rin ng Comelec na hindi na nila gagamitin ang naturang mga VCMs dahil sa mga luma na at hihingi sa Kongreso ng dagdag na pondo para makabili ng mga bagong makina. 

2022 ELECTION

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with