Data scientist: Robredo mananalo

In this photo taken on April 23, 2022, Vice President and opposition presidential candidate Leni Robredo engages with supporters during a campaign rally coinciding with her birthday in Pasay City.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Idineklara ng data scientist na si Roger Do na mananalo si Vice President Leni Robredo kay Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa karera sa pagkapangulo.

“I am projecting the winner in the 2022 Philippines presidential election to be Leni Robredo by at least 4 percent of the total votes,” wika ni Do sa isang blog na naka-post sa Auto Politic.

Ibinatay ni Do ang kanyang prediksyon sa social intelligence tracking na kanyang ginawa kasama ang ADDS Sentiment Analysis sa nakalipas na limang buwan.

Batay sa bagong datos mula sa ADDS Sentiment, sinabi ni Do na nakakuha si Robredo ng pinakamataas na engagement score na 7.46 milyon mula Abril 21 hanggang Mayo 4, o 22-porsiyentong pagtaas. Malayo naman si Marcos na may 4.69 million.

Matapos pumangalawa kay Marcos noong Pebrero, humataw si Robredo noong Marso kung saan nakakuha siya ng 8 milyong engagement kumpara 7.5 milyon ng katunggali.

Maliban sa prediksiyon ni Do, nakikita rin ng Google Trends ang panalo ni Robredo sa darating na halalan sa Mayo 9 matapos mapanatili ang lamang kay Bongbong.

Ilang araw bago ang halalan, angat pa rin si Robredo sa Google Trends na may 55 porsiyento kumpara sa 24 porsiyento ni Marcos.

Show comments