^

Bansa

Ina kinatay ng anak habang nakaluhod sa altar!

Jorge Hallare - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Karumal-dumal na kamatayan ang sinapit ng isang 59-anyos na nanay matapos pagsasaksakin ng kanyang sariling anak habang nakaluhod sa harap ng altar at nagbabasa ng Pasyon sa kapitbahay sa Purok-3, Brgy. Buang, Tobaco City, Albay noong Sabado ng hapon.

Apat na malalalim na saksak sa likurang bahagi ng katawan ang ikinasawi ng biktima na nakilalang si Alodia Ocbian Dacer, residente sa nasabing lugar.

Agad namang naaresto ng mga rumespondeng barangay officials at dinala sa police station ang suspek na si Michael Dacer, 33.

Sa ulat, dakong alas-2 ng hapon habang nakaluhod sa altar ang biktima at nagbabasa ng Pasyon sa loob ng bahay ng kanilang kapitbahay ay lumapit ang suspek at humihingi ng pera sa ina.

Gayunman, hindi ito binigyan ng nanay sa halip ay pinagsabihan ang anak na kumain na lamang. Sumunod naman ang suspek pero pagkatapos niyang kumain ay pinuntahan uli ang kanyang ina na nagpapasyon saka biglang pinagsasaksak sa likod.

Sinubukan pang isugod sa Ziga Memorial District Hospital ang duguang ginang pero hindi na umabot nang buhay.

PATAY

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with