^

Bansa

Roque sa mga kritiko ng UP: Igalang ang kalayaan sa pagpapahayag

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinabi ni UniTeam senatorial candidate Harry Roque na ang mga kritiko ay tumatahol sa maling puno dahil sa pag-uugnay ng “kasalanan ng ama” kay presidential candidate Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., na nangu­nguna sa mga survey sa halalan.

Umapela rin si Roque sa academic community ng Unibersidadng Pilipinas (UP) na igalang ang lahat ng anyo ng pagpapaha­yag, kabilang ang itinutu­ring nitong hindi popular na kaisipan at pananalita, tulad ng suporta sa kandidatura ni Marcos.

“Fathers shall not be put to death for their children, nor shall children be put to death for their fathers; a person shall be put to death for his sin,” ani Roque.

Sinabi ni Roque, na nagmula sa pamilya ng mga pastor ng Protestante, na hindi patas na ibigay sa kanyang anak ang mga kasong kriminal ng yumaong Pangulong Ferdinand Marcos.

Muli niyang iginiit na ang nakababatang Marcos ay hindi hinatulan ng graft and corruption o paglabag sa karapatang pantao.

“Former Senator Marcos was impleaded as a party to the civil case against the Marcos estate because he is the co-administrator. But the estate, and not Bongbong Marcos, is the one liable for the unpaid estate tax,” ayon kay Roque.

UNITEAM

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with