^

Bansa

Duterte: Pagsusuot ng face mask hanggang matapos termino ko

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Duterte: Pagsusuot ng face mask hanggang matapos termino ko
A woman walks past a mural depicting frontline health workers wearing masks, along a street in Manila on November 10, 2021.
AFP / Ted Aljibe

MANILA, Philippines — Walang balak si ­Pangulong Rodrigo Duterte na ipag-utos ang pagtanggal sa pagsusuot ng face mask bilang bahagi ng minimum public health protocols hanggang sa huling araw ng kanyang termino.

Sa kanyang Talk to the People, sinabi ni Duterte na dapat sundin ng lahat ang pagsusuot ng face mask hanggang sa huling araw niya sa Malacañang.

“I just state my cases, there’s no way that mask will not be required. It will be part of the protocol for a long time until my last day in the office. Iyan ang order ko at iyan ang sundin ninyo,” ani Duterte.

Muling binanggit ni Duterte na hindi pa rin natatapos ang problema ng COVID-19.

Anya, napakaraming pagtitipon ang nagaganap dahil sa relihiyon at pulitika kaya panay ang paalala ng mga health authorities na sumunod sa minimum health protocols.

Sa kanyang ulat, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may mga bansa na nakakaranas nang pagtaas ng kaso ng COVID-19 dahil tinanggal ang kautusan tungkol sa pagsusuot ng face mask.

FACE MASK

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with