^

Bansa

Grand coalition ng Presidential, VP bets panawagan

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nanawagan ang isang vice presidential aspirant sa lahat ng presidential at vice presidential candidates ng grand coalition para tapatan ang tambalan nina  dating senador Bongbong Marcos at Davao City Mayor Sara  Duterte.

Sa ginanap na press conference, sinabi ni Rizalito David na kailangan na magkaroon ng iisang kandidato na maaaring itapat sa BBM-Sara tandem na namamayagpag sa mga surveys.

Ayon kay David, dapat na mag-giveway at magkasundo  na lamang ang lahat ng presidential at vice presidential candidates at magkaroon ng  common candidate.

Sa gagawing ito ng mga presidentiable at vice ­presidentiable, sambayanan ang makikinabang dahil mananatiling malaya ang bansa.

Kung sino aniya ang may mataas  na survey at may napatunayan na maaaring ito ang kandidato na ilalaban.

Umaasa si David na makapagdesisyon ang mga kandidato kabilang na siya bago ang Comelec debate sa ?April  4.

RIZALITO DAVID

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with