^

Bansa

Robredo panalo sa FB

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nalampasan na ni presidential candidate at Vice President Leni Robredo si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ngayong buwan pagdating sa Facebook Analytics score, na sumusukat sa potensiyal ng mga tao na maging botante ng isang partikular na kandidato.

Ayon sa data scientists na sina Wilson Chua at Roger Do, si Robredo ang nakakuha ng pinakamalaking pagtaas mula Pebrero hanggang Marrso pagdating sa social sentiments sa Facebook.

“Starting March 1, VP Leni is now ahead of BBM,” wika ni Chua sa panayam sa programang “Pinoy Scientist” ng NET25, kung saan tumatayong host si Dr. Guido David ng OCTA Research.

Mula Pebrero 12 hanggang 17, nakakuha si Robredo ng 38.54 porsiyento o kabuuang 4,799,593 engagements sa Facebook, huli ng limang puntos kay Marcos.

Ngunit batay sa kanilang pagsusuri sa 58 milyong data points mula Facebook, sinabi ni Chua na nabaligtad na ang sitwasyon at lamang na si Robredo kay Marcos ng limang puntos ngayong Marso, na may kabuuang 8 milyong engagements kumpara sa 7.5 milyon ng kanyang katunggali.

Sa kanyang parte, sumang-ayon naman si David sa pananaw ni Chua, sa pagsasabing magkakaroon ng malaking pagbabago sa surveys ng malalaking survey firms pagdating ng Marso at Abril

Batay sa datos, lumilipat na ang tinatawag na soft voters at swing voters sa panig ni Robredo. “She will probably gain an increase in voters’ preference,” ani David.

LENI ROBREDO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with