Pangulong Marcos masaya na acquitted ang inang si Imelda

MANILA, Philippines — Masaya si Pangulong Bongbong Marcos sa naging desisyon ng Supreme Court (SC) na baligtarin ang hatol sa kasong graft laban sa kanyang inang si dating First Lady Imelda Marcos.
Sinabi ni Marcos na ilang dekada nang pasan-pasan ng kanilang pamilya ang mga naturang kaso. Ayon pa sa Pangulo na masaya siya na tapos na ang nasabing kaso na dininig nang 40 taon.
Binaligtad ng Korte Suprema ang hatol ng Sandiganbayan laban kay Imelda kaugnay ng pitong bilang ng kasong graft na may kinalaman sa umano’y financial interests niya sa mga pribadong foundation sa Switzerland.
Nawalang bisa sa desisyon ang landmark ruling ng Sandiganbayan noong Nobyembre 9, 2018, kung saan hinatulan si Imelda na guilty sa paglabag sa Anti-Graft and Corrupt Practices Act.
Sa naunang hatol ng Sandiganbayan, sinentensiyahan si Imelda ng pagkakakulong ng mula anim na taon at isang buwan hanggang 11 taon para sa bawat count pero inapela ito sa SC.
- Latest





















