^

Bansa

Pagklasipika ng COVID-19 alert level, ibigay na sa LGUs

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sinabi ni senatorial candidate at Sorsogon Gov. Chiz Escudero na dapat ipagkatiwala na lamang sa local government units (LGUs) ang mga klasipikasyon ng alert level sa kani-kanilang nasasakupan dahil mas sila naman ang nakakaalam sa totoong sitwasyon sa mga lugar nila.

Sa panayam sa CNN Philippines noong Martes, sinabi ni Escudero na ­ibinigay na dapat noon pa ng Department of Health ang tungkuling ito sa LGUs kaysa ginawa ang nangyayaring kalakaran na ang Inter-Agency Task Force ang nagtatakda kung ano ang COVID-19 alert level sa mga lugar sa bansa.

Binigyang-diin ng ­gobernador na ang Sorsogon, na naka-Alert Level 2 sa loob ng mahabang panahon, ay dapat na nasa mas maluwag na klasipikasyon dahil kakaunti lamang naman ang mga impeksiyon dito. Kahit sa kasagsagan ng pandemya, walang COVID-19 sa mahigit 50% ng mga barangay ng probinsiya, dagdag ni Escudero na kumakandidato para sa bagong anim na taong termino sa Senado ngayong Halalan 2022.

Sinabi ni Escudero na habang nakabimbin pa ang pag-aksiyon sa kanyang ipinapanukula, puwedeng gawin na muna ng pambansang gobyerno ang pagklasipikasyon ng alert levels kada probinsiya kung saan kanyang ipinunto ang pagkakaiba ng dami ng mga kaso ng COVID-19 sa iba’t ibang lalawigan.

vuukle comment

COVID-19

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with