^

Bansa

Commuters Bill of Rights, tututukan ng ‘Pasahero’

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Sisiguruhin umano ng Pasahero Partylist sakaling palarin sa nalalapit na halalan na maipasa at maisabatas ang  Magna Carta of Commuters o ang Commuters Bill of Rights.

Nilalayon ng naturang Magna Carta na pagtibayin ang mga karapatan ng commuting public tulad ng karapatang magkaroon ng ligtas na byahe; karapatang humiling ng malinis na transportasyon; karapatan na bigyan ng kaukulang atensyon sa sandaling dumanas ng service breakdowns at ang karapatan sa mga impormasyong may kinalaman sa ligtas at ma­ginhawang pagbibiyahe.

Naniniwala ang grupo na kailangang isa rin sa mga prayoridad ng gobyerno ang kaligtasan at ka­ginhawahan ng riding public upang matiyak na walang daranasing aberya ang mga ito.

Isa rin sa isinusulong ngayon ng partido ang karapatan ng TODA members na kabilang sa tinatawag na “tatlong gulong” sector sapagkat sila ang dumanas at patuloy na dumaranas nang pinakamatinding hagupit ng pandemya.

Kaugnay nito, ikinatuwa ng Pasahero Partylist ang pagkakabilang sa top party-list groups na posibleng magwagi sa darating na eleksyon sa Mayo. Ito ay base sa isinagawang survey ng RP Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) kamakailan.

Sa survey ng RPMD na isinagawa noong Enero 22-30, nakakuha ng 1.33 percent ang PASAHERO Party-list, sapat upang makakuha ng puwesto ang grupo sa Kongreso.

“Ang latest na survey result na ito ay lalo pang magbibigay motibasyon sa buong partido na ipaliwanag ang aming mga adhikain at adbokasiya,” ayon kay PASAHERO Party-list founder Robert Nazal.

Dahil dito, pinasalamatan ni Nazal ang publiko sa suportang ibinibigay ng mga ito sa PASAHERO Party-list at nangakong mas pagbubutihin pa nila ang pagsisilbi sakaling opis­yal na mahalal, upang patunayan na hindi nagkamali ang mga botante sa pagpili sa kanilang partido.

“Ito ang inspirasyon namin ngayon – ang tiwala ng ating nga kababayan. Kaya nagsisikap kaming mas mapalakas pa ang aming kampanya sa pamamagitang ng pagsusulong sa aming mga programa at mga plano para sa kapakanan ng mas nakararaming Pilipino,” dagdag pa ni Nazal.

Sinabi naman ni PASAHERO Party-list co-founder Allan Yap na sa kabila ng  magandang resulta ng survey, hindi pa rin aniya kailangang maging kampante ang kanilang partido. Bagkus, aniya, mas kailangan pa nilang paigtingin ang pakikipag-ugnayan sa publiko upang maiparating ang kanilang magagandang layunin para sa sektor na kanilang ikinakatawan.

Mababatid na tumatakbo ngayon bilang party-list ang PASAHERO Party-list upang magkaroon ng tunay na kinatawan ang mga mananakay, gayundin ang mga miyembro ng tricycle operators and drivers association (TODA) sa buong bansa.

BILL

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with