^

Bansa

492 kaso ng Omicron, 115 Delta natukoy

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon
492 kaso ng Omicron, 115 Delta natukoy
Health workers conduct house-to-house antigen testing for residents of West Rembo in Makati City on Tuesday, Jan. 18, 2022. The activity is part of COVID-19 response program of the office of the Vice President Leni Robredo. DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman, said 15 areas in Metro Manila already have cases of the highly transmissible Omicron coronavirus variant
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Umabot sa 492 bagong kaso ng Omicron variant ng COVID-19 ang natukoy ng Department of Health (DOH) mula sa mga sample galing sa mga ‘returning overseas Filipinos (ROFs)’ at lokal na residente.

Sa genome ­sequencing nitong Enero 13-14 ng UP-Philippine Genome Center, UP-National Institutes of Health, at Research Institute for Tropical Medicine (RITM) sa 714 samples, bukod sa mga bagong Omicron, natukoy rin ang dagdag na 115 Delta variant cases, at isang Alpha variant.

Sa 492 Omicron ­cases, 332 sa kanila ay mga lokal na kaso habang 160 ay mga balikbayan.

Sa 332 lokal na kaso, pinakamarami dito ang nagmula sa National Capital Region (NCR) na may 227 kaso, 76 kaso mula sa Calabarzon, 11 sa Central Luzon, lima sa Central Visayas, tig-2 sa Cagayan Valley, western Visayas, Davao Region, SOCCSKSARGEN, at CAR, habang tig-1 kaso naman sa Ilocos Region, Mimaropa, at BARMM.

Tatlo sa mga ito ang kasalukuyang aktibo, dalawa na ang nasawi habang 467 ang nakarekober. May 20 kaso pa ang kasalukuyang biniberepika.

Dahil dito, umakyat na sa kabuuang 535 ang kumpirmadong kaso ng Omicron sa Pilipinas.

NCR

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with