^

Bansa

Manggagawang may sakit dapat tulungan, kahit bayad ang ‘sick leave’ – Jinggoy

Gemma Garcia - Pilipino Star Ngayon
Manggagawang may sakit dapat tulungan, kahit bayad ang âsick leaveâ â Jinggoy
Former Senator Jinggoy Estrada.
Philstar.com / Jan Milo Severo

MANILA, Philippines — Higit sa mga benepisyong natatanggap ng mga manggagawa, sinabi ni dating Senador Jinggoy Estrada na ang mga obrerong nagkakasakit o nahahawaan ng COVID-19 ay dapat tulungan ng pamahalaan dahil mahalaga ang kanilang hanay sa ‘post-COVID economic rebound,’ ng bansa.

Bagama’t pinapurihan ng beteranong senador ang hakbang ng Department of Labor and Employment (DOLE) na humihimok sa mga ‘private employers’ na maglatag o magbalangkas ng tinatawag na ‘paid isolation and quarantine leave program’, iminungkahi ni Estrada ang pagbibigay ng tulong sa mga apektadong manggagawa upang makakuha ng maayos na serbisyo sa mga ospital.

Samantala, sinabi rin ni Estrada na sakaling palarin siyang makabalik sa Senado, isusulong niya ang 20 porsiyentong diskwento sa mga gastos sa gamot ng mga government workers.

Isusulong din niya ang tinatawag na “lockdown ayuda”, gayundin ang panukalang “Health Services Control Act” na dati niyang inihain na naglalayong tiyakin ang abot-kayang gastos sa pangangalagang-medikal ng mga Pinoy lalo na sa mga tertiary at specialty hospitals.

COVID-19

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with