Sundalo, pulis, bumbero papalit sa nagkakasakit na health workers

A health worker attends to patients at the Manila Manila COVID-19 field hospital at Quirino Grandstand on Thursday, January 13, 2022. The National Capital Region (NCR) is experiencing a "severe outbreak" as its COVID-19 average daily attack rate climbs to 111.80, OCTA Research said Thursday.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Tutulong na rin ang mga sundalo, pulis at bumbero sa mga healthcare worker para mapunuan ang mga nababakanteng puwersa ng mga health workers na nagkasakit dahil sa COVID-19.

Ayon kay treatment czar Health Undersecretary Leopoldo Vega, mahalaga umanong magpatuloy pa rin ang manpower sa mga lugar sa bansa na may mataas at mabilis na pagkalat ng mga kaso ng Omicron variant.

Dahil dito, sinabi ni Vega na may memorandum of agreement (MOA) nang binabalangkas sa pagitan ng Department of Health (DOH), Armed Forces of the Philippines (AFP) Bureau of Fire Protection (BFP) at Philippine National Police (PNP).

Ang nasabing mga uniformed personnel ay ipapadala sa mga rehiyon na kulang ngayon sa healthcare workers.

Iginiit ni Vega na dito pa lamang sa Metro Manila, nasa higit 3,100 healthcare workers ang naka-isolate hanggang nitong Enero 12 na kumakatawan sa 11% ng kabuuang medical workers na nasa government institutions sa NCR.

Show comments