DOST kinilala si Salceda sa HEROES Award

MANILA, Philippines — Pararangalan ng Department of Science and Techno­logy (DOST) si Albay Rep. Joey Sarte Salceda ngayong Enero ng kauna-unahang ‘HEROES Award’ nito.

Ang HEROES ay tumatayo sa ‘House [of Representatives] Exponents of Responsive and Outstanding Engagement in Science.’ Ang parangal ay bilang pagkilala sa napakahalaga at walang pagod na pagsusumikap ni Salceda sa pagsulong sa makabuluhang mga batas na batay sa ‘sensiya, teknolohiya at malikhaing mga pagbabago.’

Sinabi ni DOST Secretary Fortunato T. De La Peña na walang katapusang nagpapasalamat ang kanilang ahensiya sa maraming makabuluhang ambag ni Salceda sa STI at iba pa nilang mga programa at proyekto.

Si Salceda ang pangunahing bumalangkas at may akda ng Philippine Space Agency Act (Republic Act 11363) at iba pang katulad nitong mga panukalang batas na naghihintay ng aksiyon sa Kongreso.

Show comments