_ngayon
^

Bansa

Transparency, accountability ipatutupad ng bagong CEO

Pilipino Star Ngayon

PITC nagsoli ng pondo

MANILA, Philippines — Tiniyak ng bagong pangulo at chief executive officer ng Philippine International Trading Corporation na ipapatupad niya ang mga patakaran ng transparency at accountability sa pagbibgay serbisyo sa publiko at partner agencies ng korporasyon.

Sinigurado ni Undersecretary Emmie Liza “Doc Molly” Perez-Chiong, na naging pangulo ng PITC noong Nob­yembre 11, sa Commission on Audit na ibabalik ng PITC ang hindi nagamit na pondo sa lalong madaling panahon pagkatapos ng kaukulang accounting nito.

“Isinaoli ng PITC ang malaking bahagi ng mga hindi nagamit na pondo ng dating namumuno ng PITC. Kami ay mahigpit na susunod sa mga rekomendasyon ng COA. Nagpapasalamat ako sa COA sa pagtawag ng aming pansin,” wika niya.

Ang PITC ay isang ahensiya ng pamahalaan na tumutulong sa mga transaksiyon ng government-to-go­vernment, business-to-business, at business-to-consumer sa pamamagitgan ng international trade service tulad ng export, import, customs bonded warehousing, at procurement.

Sa ilalim ng kanyang panunungkulan, sinabi ni Perez-Chiong na ang PITC ay mas higit na tutugon sa pagtulong sa mga ahensiya ng gobyerno sa pagbili ng kanilang mga kailangan. Nais din niya na tulungan ang mga Pilipinong kumpanya kabilang ang small and medium enterprises (SME) sa pag-export ng kanilang mga produko sa ibang bansa.

Ipinatutupad ng PITC ang “countertrade” sa ngalan ng Department of Trade and Industry (DTI).

Kamakailan, tinawag ng pansin ng COA ang PITC at pitong iba pang kumpanya ng pamahalaan dahil sa mahigit na P13.7 bilyon na pondong hindi nagamit na nakalaan sa pagpatupad ng mga programa at proyekto ng ibang ahensiya ng gobyerno.

DTI
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with