Ika-4 na Omicron case ng Pilipinas may 22 close contacts, ayon sa DOH

This photo taken on June 24, 2021 shows Philippine Airlines' (PAL) crew members wearing protective gear as a preventive measure against the COVID-19 coronavirus welcoming a passenger on a flight prior to departure at General Santos City airport, on the southern island of Mindanao.
AFP/Ted Aljibe, File

MANILA, Philippines — Halos dalawang dosenang "close contacts" ng ikaapat na kaso ng mas nakahahawang COVID-19 Omicron variant ang natuklasan ng gobyerno, pagbabahagi ng Department of Health (DOH) ngayong araw.

Matatandaang ika-10 ng Disyembre nang lumapag sa NAIA sakay ng Philippine Airlines PR 127 ang isang 38-anyos na babaeng nakakitaan ng Omicron variant. Kasama niya ang 37-anyos na Pilipinong mister, na nagpositibo rin sa COVID-19.

"As of December 29, 2021, the DOH has found 22 close contacts of the fourth Omicron case from the PR 127 flight. This includes the husband of the case, who also tested positive," ayon sa DOH, Miyerkules.

"The DOH is currently verifying the test results of all close contacts and have coordinated with the Regional Epidemiology and Surveillance Units to verify the health status of these cases."

Hindi pa naman idinedetalye ng kagawaran sa reporters kung ilan dito ang bahagi ng flight crew at mga pasahero.

Martes lang nang sabihin ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na isasailalim pa lang sa genome sequencing ang samples ng asawa ng ikaapat na kaso para malaman kung meron din siyang mas nakahahawang Omicron variant.

Matatandaang dinischarge mula sa COVID-19 facility ang mag-asawa matapos ang 10-day isolation habang sila'y asymptomatic. Nakatakda silang sumailalim sa re-swabbing. Kasalukuyang naka-isolate na rin sa ngayon ang mga kasama sa bahay ng magkabiyak.

Sa huling ulat ng DOH ngayong araw, aabot na sa 2.83 milyon ang nahahawaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Patay na sa kasalukuyan ang 51,241 sa kanila. — James Relativo

Show comments