^

Bansa

7 biyahero mula South Africa posibleng kasuhan

Danilo Garcia - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Ikinokonsidera umano ng Inter-Agency Task Force (IATF) na sampahan ng kaso ang mga hindi pa matukoy na biyahero mula sa South Africa na nagbigay ng mga maling impormasyon tulad ng contact numbers, ayon kay Health Secretary Francisco Duque III.

Nabatid sa DOH na pito pang ‘returning overseas Filipinos (ROFs)’ ang pinaghahanap ngayon.

Tatlo sa kanila ang nagbigay ng numero ng kanilang ahensya at hindi personal; isa ang nagbigay ng maling numero; isa ang hindi kumpletong numero; at dalawa ang hindi na makontak na numero.

“Kapag ito ay nahuli sila, masita sila, ay kaka­suhan natin dahil hindi naman puwede ‘yung ganong naglalagay ka ng mga impormasyon na hindi tama, hindi totoo,” ayon kay Duque, chairperson rin ng IATF.

“Kagaya niyan, gusto mo mag-backtracing, mahihirapan ka mag-backtracing dahil hindi mo alam saan mo sila hahanapin ngayon. So pinapaimbestiga pa rin natin yan at tinitignan ano ang mga lead,” dagdag niya.

Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na may pananagutan ang mga biyahero sa ilalim ng Republic Act 11332 o Law on Reporting Communicable Disease dahil sa pagbibigay ng mga maling impormasyon.

“Yes, sa RA (Republic Act) ng Notifiable ­diseases and yung health declaration forms once we sign it are attested dapat to be true,” ayon kay Vergeire.

Kahapon, natukoy na ng pamahalaan ang isa sa walong biyaherong Pilipino na pinaghahanap. Ang naturang biyaherong Pilipino ay naka-home quarantine na at hindi naman nagpapakita ng anumang sintomas ng COVID-19. Negatibo rin ang resulta ng kaniyang RT-PCR test.

“We are continuously getting in touch with our local government units and other partners to be able to contact these individuals,” ayon kay Vergeire ukol sa mga biyahero na dumating sa bansa mula Nobyembre 15 hanggang 29.

IATF

SOUTH AFRICA

Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with