633 pang Delta variant natukoy

Dahil sa naturang mga bagong kaso, mayroon na ngayong 4,431 Delta variant cases sa bansa, 2,938 naman ang Alpha habang 3,313 ang Beta.
AFP / Andrew Caballero-Reynolds

MANILA, Philippines — May 633 pang kaso ng Delta variant ng COVID-19 ang natukoy sa bansa sa pinakahuling ‘whole genome sequencing’ ng Department of Health (DOH) nitong Linggo.

Bukod sa 633 Delta variant cases, anim ang nagpositibo sa Beta variant, at tatlo ang Alpha variant.

Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na ang naturang bilang ay mula sa 748 samples na isinailalim nila sa whole genome sequencing noong Oktubre 16.

Dahil sa naturang mga bagong kaso, mayroon na ngayong 4,431 Delta variant cases sa bansa, 2,938 naman ang Alpha habang 3,313 ang Beta.

May presensya na ng Delta variant ang lahat ng rehiyon sa bansa at siya nang pinaka-karaniwan na uri ng virus na may lineage.

Show comments