Villar, muling nanawagan ng cash aid sa magsasaka

MANILA, Philippines — Dahil sa malaking pinsala sa agrikultura na aabot sa mahigit P600 milyon dulot ng bagyong Maring na rumagasa sa ilang lugar sa bansa, iginiit ni Sen. Cynthia A. Villar ang agarang pinansiyal na tulong sa mga magsasaka.

Sa pinakahuling data ng Department of Agriculture (DA), naapektuhan ng bagyong Maring ang 29,063 magsasaka at mangingisda na ang volume ng production loss ay 36,354 metric tons (MT). Napinsala rin ang 32,882 ektaryang agricultural areas sa Cordillera Administrative Region, Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, Bicol Region at Western Visayas.

Bukod sa pinakahuling bagyo, ang mababang presyo ng palay at ang Covid-19 pandemic ang ilan din sa mga dahilan upang bigyan ng pinansiyal na tulong ang mga magsasaka na apektado ang kanilang buhay at kita ng mga ganitong hamon.

Kasalukuyang hinihintay pa ang lagda ni President Rodrigo Duterte para maisabatas ang Cash Assistance to Filipino Rice Farmers Act of 2020 na pakikinabangan ng may 1.673 milyong maliliit na magsasaka.

Isinulong ni Villar, chairman ng Senate Agriculture and Food Committee, para ma-institutionalize ang pagbibigay sa rice farmers ng sobrang koleksyon ng Bureau of Customs (BOC) mula sa P10-billion Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF).

“So I strongly believe that our farmers need more support and assistance to cope up with the several challenges, especially now that we are in a pandemic, and their health is also at risk,” sabi ni Villar.

Show comments