isasabak sa mga lugar na may election-related violence

MANILA, Philippines — Isasabak ni PNP chief Gen. Guillermo Eleazar ang Special Action Force (SAF) sa mga lugar na mataas ang kaso ng election-related violence.

Ayon kay Eleazar, inatasan niya ang lahat ng police regional directors na tukuyin, alamin at gumawa ng mga security adjustments upang maiwasan ang anumang pagsiklab ng gulo sa pagsisimula ng filing of candidacy ngayong araw.

Hanggang sa Oktubre 8 ang filing of candidacy.

Sinabi ni Eleazar na inatasan na rin niya si SAF Director Police Maj. General Felipe Natividad, na ihanda ang kanyang mga tauhan upang agad na maitalaga sa mga lugar na posibleng sumiklab ang gulo.

Bagama’t limitado ang mga kasama ng mga kandidato sa pagsusumite ng kanilang kandidato sa Commission on Elections, sinabi ni Eleazar na kailangan pa rin na matiyak ang seguridad ng mga kandidato at lugar na pupuntahan ng mga ito.

Una nang naglabas ng kautusan si Eleazar sa lahat ng Chief of Police na alamin ang mga hot spot upang maisagawa ang mga security measures.

Maging ang mga pinaniniwalaang private armed groups ay sinusuyod ng PNP at Armed Forces of the Philippines upang matiyak ang payapang 2022 elections.

Show comments