Davao City Rep. Paolo Duterte COVID-19 positive

Undated file photo shows Rep. Paolo Duterte (Davao) present at a Senate hearing.
The Geremy Pintolo / File photo

MANILA, Philippines — Nagpositibo sa kinatatakutang coronavirus disease (COVID-19) ang mambabatas at panganay na anak ni Pangulong Rodrigo Duterte na si Davao City Rep. Paolo Duterte, pagbabahagi ng kanyang kapamilya ngayong araw.

Ang balita ay kinumpirma ng kanyang kapatid na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio ngayong Lunes sa media.

"Yes, COVID-19 positive. I've not talked to him yet," banggit ni Sara, na usap-usapang tatakbo sa pagkapangulo sa 2022, sa ulat ng News5.

Wala pa namang ibang detalye na inilalabas sa ngayon pagdating sa kalagayan ni Paolo, na kilala rin sa palayaw na "Pulong."

Nangyayari ito dalawang buwan matapos magpositibo sa parehong nakamamatay na virus ang kanyang kapatid na si Davao City Vice Mayor Sebastian "Baste" Duterte.

Wala pa namang balita kung naging close contact ni Pulong si Digong kaugnay ng pagpopositibo ng nauna.

Sa huling ulat ng Department of Health nitong Linggo, umabot na sa 2.49 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas. Sa bilang na 'yan, 37,405 na ang namamatay. — James Relativo at may mga ulat mula sa News5 at ONE NEWS

Show comments