DepEd handa na sa face-to-face classes

Staff of Dagat Dagatan Elementary School in Navotas City prepare the classroom and other materials needed on Sept. 16, 2021 once the government allows the resumption of face-to-face classes.
The STAR/Geremy Pintolo

MANILA, Philippines — Handa na ang Department of Education (DepEd)  na subukan ang limitadong face-to-face classes ng mga mag-aaral sa bansa.

Ayon kay Education Secretary Leonor Briones, mahabang panahon na ang kanilang ginugol at pag-aaral sa pilot face-to-face classes at handa na sila para dito.

Anya, hinihintay na lamang ng ahensiya ang desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sinabi ni Briones na may halos 27.5 milyong mag-aaral ang naka-enrol ngayong school year at mas mataas ito sa 26.2 milyon noong nagdaang taon.

Sinasabing mas ligtas sa banta ng Covid-19 ang mga mag-aaral kapag sa bahay lang ang klase pero problema naman dito ang computers, mobile phones at internet kaya’t marami na ang nagnanais na mabalik na ang face-to- face classes.

Sinabi ni Briones na mas matututo ang mga kabataang estudyante kung sa mga paaralan sila natuturuan ng mga aralin.

 

Show comments