^

Bansa

Indigenous People, pinagbibitiw si Rep. Cullamat, Makabayan Bloc

Doris Franche - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Dahil sa kabiguang isulong ang kapaka­nan ng mga tribu ng Indi­genous People (IP), pi­nagbibitiw ni Datu Rico Maca, Municipal Indi­genous People Mandatory Representative ng San Miguel, Surigao del Sur si Bayan Partylist Rep. Eufenia Cullamat at mga miyembro ng Makabayan Bloc sa Kongreso.

Sa virtual balitaan ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), sinabi ni Maca na bagamat nabibilang si Cullamat sa IP na Manobo Tribe, tinalikuran nito ang kanyang  pangako at sa halip ay nakikipagsabwatan sa Makabayan Bloc sa mga pagpaslang sa mga lider ng mga tribu na sumasalungat sa mga agenda ng CPP-NPA-NDF.

Sinabi ni Maca na walang plano para sa kapayapaan si Cullamat gayundin sa mga kabataan na taliwas sa pangako nito na magiging boses ng tribu sa Kongreso. Ginagamit lamang nito ang posisyon para lamang sa pangsariling interes at kapaka­nan ng komunistang-teroristang samahan.

Dahil dito, sinabi ni Maca na nagpasa ng 126 resolusyon ang kanilang mga tribu na kasapi sa Indigenous Cultural Communities/Indigenous People (ICCs/IPs) at idineklarang ‘persona non grata’ na si Cullamat sa kanilang mga ancestral lands.

vuukle comment

IP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with