COVID-19 sa Pinas aabot sa 30K kada araw

“Maaring umabot tayo ng 30,000 sa buong Pilipinas by end of September sa trajectory, pero di namin nakikita ang 43,000 sa Metro Manila alone,” ayon kay Dr. Guido David.
AFP / Yonhap

MANILA, Philippines — Naniniwala ngayon ang OCTA Research Group na aabot sa 30,000 ang kada araw na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa susunod na linggo dahil sa patuloy na pananalasa ng Delta variant sa bansa.

“Maaring umabot tayo ng 30,000 sa buong Pilipinas by end of September sa trajectory, pero di namin nakikita ang 43,000 sa Metro Manila alone,” ayon kay Dr. Guido David.

“It could happen baka today or tomorrow. Nandyan ang possibility, definitely by next week mukhang mahihigitan natin yan,” dagdag niya.

Ang pahayag ay sa kabila ng sinabi rin ni Guido noong Agosto 30 na lalagpas sa 20,000 ang arawang kaso ngunit hindi niya nakikita na aabot ito sa 30,000.  Kung magkakaroon umano ng peak ay maaaring hanggang 25,000 kaso lamang.

Kung magkakatotoo umano ang 43,000 kaso kadaw araw sa Metro Manila lamang, aabot sa 300 ang ave­rage daily attack rate.  Mas malala pa umano ito sa sinapit ng India at Indonesia.

“Kung mangyayari yan, pero wala yan sa projections namin sa ngayon, sobrang malaking impact niyan sa ating bansa, sa NCR.  Maraming mamamatay, mara­ming masasawi kung ganyan kataas ang bilang ng kaso,” dagdag niya.

Show comments