_ngayon
^

Bansa

20% ng bagong COVID-19 case, galing NCR

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagmula sa National Capital Region (NCR) ang may 20 percent ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa bansa, batay sa latest record ng OCTA Research Team.

Ayon kay Dr. Guido David ng OCTA, posibleng kumalat pa ang Delta va­riant dahil sa pagtaas ng mga bagong kaso.

Nitong Sabado nakapagtala ng 1,700 ng bagong kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Metro Manila na pinakamataas mula noong ipa­tupad ang ECQ sa NCR noong Mayo 10.

Kaugnay nito, sinabi ni Dr. Michael Tee ng OCTA group na kung patuloy ang pagtaas ng kaso ng COVID ay tataas din ang hospital utilization rate sa Metro Manila. Noong Marsi ay 6,000 ang hospital utilization rate pero ngayon ay nasa 10,000 na.

Binigyang diin ni Dr. Tee na maaring mapuno na naman ang mga ospital sa pasyente na may COVID kung magpapatuloy ang surge sa NCR.

 

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with