_ngayon
^

Bansa

House-to-house bakuna habang ECQ ok sa DOH

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
House-to-house bakuna habang ECQ ok sa DOH
Sa isang pulong balitaan nitong Sabado, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na makakatulong din ang house-to-house vaccination para masigurong bakunado ang mga komunidad.
The STAR/Michael Varcas, file

MANILA, Philippines — Pabor ang Department of Health (DOH) sa pagsasagawa ng house-to-house vaccinations habang naka-ECQ upang ligtas na makapagbakuna ng mga mamamayan laban sa COVID-19.

Sa isang pulong balitaan nitong Sabado, sinabi ni DOH Undersecretary Maria Rosario Vergeire na makakatulong din ang house-to-house vaccination para masigurong bakunado ang mga komunidad.

Ayon kay Vergeire, mas ligtas din ito dahil may mga tao lang na iikot at magbabahay-bahay sa halip na sila pa ang pumunta sa vaccination sites at pumila ng mahaba.

“Sa tingin namin maganda ’yan na strategy, kasi una sa lahat, hindi magkukumpul-kumpol ang mga tao. Ang iikot po ang magbabakuna at hindi na kailangang pumunta ng mga tao sa ibang lugar para magpabakuna,” ani Vergeire.

Bukod dito, isinusulong din ng DOH ang pagkakaroon ng iba pang ligtas na pamamaraan sa pagbabakuna, gaya nang pag-i-iskedyul ng bakuna at pagkakaroon ng mas malalaking vaccination sites para matiyak na mayroong physical distancing.

Matatandaang matapos na makapagtala ng local transmission ng Delta variant ng COVID-19, hiniling ng Metro Manila Mayors sa pamahalaan na magpatupad muli ng ECQ sa rehiyon para mapigilan ang higit pang pagkalat ng naturang mas nakahahawang sakit, na inapruba­han naman ng Inter-Agency Task Force na ipatutupad simula Agosto 6-20.

DOH
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with