_ngayon
^

Bansa

Publiko patuloy na pinag-iingat sa paligid ng Taal kahit alert level 2 na

Angie dela Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Patuloy na pinag-iingat ng mga eksperto ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ang publiko na huwag pa ring lalapit sa paligid ng Bulkang Taal sa Batangas kahit ito ay nasa alert level 2 na lamang ngayon.

Ayon sa Phivolcs, habang nasa kundisyon ng Alert level 2 ang naturang bulkan, may banta pa rin ito ng steam-driven o phreatic na pagputok, volcanic earthquake, bahagyang abo at mapanganib na ipon o pagbuga ng volcanic gas  na maaaring  manalasa sa mga paligid ng Taal Volcano Island (TVI).

Sa nakalipas na 24 oras, ang Taal Volcano  Network ay nakapagtala ng 33 volcanic tremors na tumagal ng isa hanggang 26 na minuto at low-level background tremor.

Mayroon ding mahinang pagsingaw na may taas na 50 metro mula sa gas vents ang naganap sa Main Crater. Mayroong ding pagbuga ng  asupre na may  3,397 tonelada kada araw.

Ang buong Taal ay nakakaranas ng marahang paglawak simula pa noong 2020.

Nananatiling ipinagbabawal ng Phivolcs  ang pagpasok ng sinuman sa TVI, na siyang Permanent Danger Zone ng Bulkang Taal, lalung-lalo na sa may gawi ng Main Crater at ng Daang Kastila fissure at bawal din ang  paninirahan at pamamangka sa lawa ng Taal.

PHIVOLCS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with