_ngayon
^

Bansa

Pagtatayo ng Virology Institute aprub na

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon
Pagtatayo ng Virology Institute aprub na
President Rodrigo Duterte is joined by Senate President Tito Sotto and House Speaker Lord Allan Velasco at Congress during his last State of the Nation Address on July 26, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Inaprubahan na sa ikatlo at pinal na pagbasa ng Kamara ang panukalang pagtatatag ng Virology Science and Technology Institute of the Philippines (VIP) na isa sa ipinanawagan ni Pangulong Rodrigo Dutere sa kanyang huling State of the Nation Address (SONA).

Sa House Bill 9559 na iniakda ni Quezon Rep. Angelina Helen Tan, layon nito na makapagtayo ang Pilipinas ng isang virology research center.

Ayon kay Tan, chairman ng Senate Committee on Health, na ang pagtatatag sa nasabing ahensiya ay paunang hakbang para maituon ang pagpapaunlad at pananaliksik para sa virology science at technology applications sa mga halamanan o tanim, hayop at sa tao.

Sa ilalim ng panukala ni Tan, ang VIP ang pa­ngunahing mananagot at mangunguna sa preparas­yon ng bansa laban sa pandemya at public health emergencies,

Bukod dito, magpapatupad ng mga polisiya, plano at mga programa gayundin ng mga proyekto ukol sa pagpapabuti at pagpapa- unlad sa teknolohiya para sa paglaban ng virus.

Nilinaw pa ng kongresista na aabot sa P283 million ang tiyak nang pondo para sa pagtatatag ng VIP na nakapaloob na sa 2021 National Expenditure Program o NEP na kinumpirma din ni Department of Science and Technology o DOST Sec. Fortunato dela Peña.

Bukod dito, may kautusan na rin si Pang. Rodrigo Duterte na isama ang pondo para sa VIP sa panukalang 2022 national budget.

RODRIGO DUTERE
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with