_ngayon
^

Bansa

New COVID-19 cases sumirit sa 7,186 sa bansa, pinakamataas sa 44 araw

Philstar.com
New COVID-19 cases sumirit sa 7,186 sa bansa, pinakamataas sa 44 araw
People brave the heavy rain in Kamuning EDSA, Quezon City on July 22, 2021.
The STAR/Michael Varcas

MANILA, Philippines — Nakapagtala ang Department of Health (DOH) ng 7,186 bagong infection ng coronavirus disease (COVID-19), Martes, kung kaya't nasa 1.56 milyon na sumatutal ang nahahawaan nito sa bansa.

Batay sa mga bagong nakalap na datos ng Kagawaran ng Kalusugan, narito ang bagong mga pasok na datos para araw na ito:

  • Lahat ng kaso: 1,562,420
  • Nagpapagaling pa: 56,477, o 3.6% ng total infections
  • Kagagaling lang: 5,672, dahilan para maging 1,478,625 na lahat ng gumagaling 
  • Kamamatay lang: 72, na siyang nag-aakyat sa total local death toll sa 27,318

'Metro Manila surge'

  • Ngayong araw ang pinakamataas na bilang ng bagong hawa ng COVID-19 (7,186) sa halos isang buwan at kalahati. Huling beses na mas marami ang fresh cases diyan noong ika-13 ng Hunyo. 

  • Nananawagan naman ngayon ang OCTA Research Group ng "circuit-breaking" lockdowns lalo na't nagsisimula na raw ang surge sa COVID-19 infections sa Metro Manila. Aniya, maaaring may kinalaman dito ang mas nakahahawang Delta variant.

  • Dumating naman sa Pilipinas ang nasa 375,570 doses ng Pfizer COVID-19 vaccines sa Pilipinas kagabi, ayon sa National Task Force Against COVID-19. Tig-51,480 shots ng bakuna ang ipinadala sa Cebu City at Davao City ngayong araw habang inilaan naman sa Metro Manila ang nalalabi.

  • Umabot na sa 194.08 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa buong daigdig, ayon sa huling datos ng World Health Organization. Sa bilang na 'yan, patay na ang 4.16 milyong katao.

— James Relativo

COVID-19 TALLY PHILIPPINES DELTA VARIANT DEPARTMENT OF HEALTH NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with