_ngayon
^

Bansa

Delta variant, 8 tao kayang hawaan sa loob ng 1-2 minuto

Ludy Bermudo - Pilipino Star Ngayon
Delta variant, 8 tao kayang hawaan sa loob ng 1-2 minuto
Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, ng Inter-Agency Task Force Technical Advisory Group, higit 60 por­syentong mas nakahahawa ang Delta subalit maiiwasan ito kung susunod lamang sa health protocols tulad ng social distancing, pagsusuot ng face masks at face shields at dapat na magpabakuna.
AFP/Ted Aljibe

MANILA, Philippines —  Higit na nakakatakot ang Delta variant kumpara sa iba pang variants dahil kaya nitong manghawa ng hanggang walo katao na nasa kaniyang paligid, at ang walo naman na nahawaan ay kaya ring makahawa ng walo pa bawat isa.

Ayon kay Dr. Edsel Salvaña, ng Inter-Agency Task Force Technical Advisory Group, higit 60 por­syentong mas nakahahawa ang Delta subalit maiiwasan ito kung susunod lamang sa health protocols tulad ng social distancing, pagsusuot ng face masks at face shields at dapat na magpabakuna.

“..it is three times more contagious than the original SARS COV-2 virus,” ani Salvaña sa IATF mee­ting kasama si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Sabado ng gabi.

Kung dati aniya na may tatlong araw pa bago makahawa ng tao ang COVID-19 variants, ang Delta ay mas maikling oras lang o 30 oras ay puwede nang makahawa ng iba. habang ang mga sinasabi aniyang close contacts na may 15 minuto, sa Delta ay 1-2 minuto lang ay pwede nang makahawa.

Gayunman, ani Salvaña, umaasa siya na ang mga hakbang na ginagawa ng pamahalaan laban sa pagkalat ng nasabing variant ay tama.

“Face shield, face mask, physical distancing and of course we have to vaccinate everyone. We need to make sure na maglevel up ang ating compliance because the variant has levelled up,” ani Salvaña.

Dapat din aniya na tuluy-tuloy lang ang pagbabakuna laban sa CO­VID-19 at kung magagawang mas paspasan pa ay mas mabuti, at kasabay ng pagsunod sa health protocols ay maa­ring hindi matulad ang Pilipinas sa mga kalapit na ASEAN nations.

DELTA
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with