_ngayon
^

Bansa

Duterte nakakuha ng high approval, trust ratings

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Duterte nakakuha ng high approval, trust ratings
Ayon sa independent pollster RP-Mission and Development Foundation (RPMD) survey, si Pangulong Duterte ay nagkamit ng overall approval rating na 77% sa National Capital Region (NCR) at trust ra­ting na 72%.
STAR/ File

Cabinet officials may positibong grado

MANILA, Philippines — Napanatili ni Pangulong Rodrigo Duterte ang high approval at trust ra­tings nito, mahigit isang taon at kalahati na simula nang mag-umpisa ang COVID-19 crisis na nakaapekto sa kabuhayan ng milyun-milyong Pinoy.

Ayon sa independent pollster RP-Mission and Development Foundation (RPMD) survey, si Pang. Duterte ay nagkamit ng overall approval rating na 77% sa National Capital Region (NCR) at trust ra­ting na 72%.

Samantala, sina MMDA Sec. Benjamin “Benhur” Abalos Jr., DILG Sec. Eduardo Año, DPWH Sec. Mark Villar, DOTr Sec. Arthur Tugade at DTI Sec. Ramon Lopez ang tinanghal naman bilang top five performers sa mga government agency officials sa NCR.

Batay sa survey, si Abalos ay nakakuha ng 70% approval sa kanyang performance, si Año ay may 68%, kasunod si Villar na may 66%, Tugade na may 65% at Lopez na may 63%.

Ang itinuturing naman na most trusted agencies ay ang Department of Justice (68%) na pinamumunuan ni Sec. Menardo Guevarra, Department of Tourism (65%) na pinamumunuan ni Sec. Bernadette Romulo Puyat at Department of Foreign Affairs (63%) na pinanga­ngasiwaan ni Sec. Teodoro Locsin Jr.

Ang overall public sa­tisfaction ng mga cabinet officials ni Pang. Duterte sa kabuuan ay 57% rating.

Isinagawa ang independent at non-commissioned survey sa may 3,500 respondents sa NCR noong Hulyo 3-10, 2021.

COVID-19
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with