^

Bansa

Paghihiwalay ng bakunado sa walang bakuna ‘di napapanahon - Malacañang

Malou Escudero - Pilipino Star Ngayon
Paghihiwalay ng bakunado sa walang bakuna �di napapanahon - Malacañang
Matatandaan na maging si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay nagsabi na mahabang diskusyon ang tungkol sa isinusulong na paghihiwalay sa mga bakuna at hindi bakunado dahil titingnan din dito ang isyu ng karapatang pantao.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Naniniwala ang Malacañang na hindi pa napapanahon ang paghihiwalay ng mga kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19 at ang mga wala pang bakuna sa mga opisina o trabaho.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, pag-aaralan nila ang panukala na unang isinulong ni Presidential Adviser for Entrepreneurship at Go Negosyo founder Joey Concepcion kamakailan.

Ipinaliwanag ni Roque na humigit kumulang sa walong milyon pa lamang ang kumpleto na ang bakuna sa bansa kaya hindi pa ito ang tamang panahon para ihiwalay sa trabaho ang mga mayroon ng bakuna.

Matatandaan na maging si Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire ay nagsabi na mahabang diskusyon ang tungkol sa isinusulong na paghihiwalay sa mga bakuna at hindi bakunado dahil titingnan din dito ang isyu ng karapatang pantao.

Samantala, sinabi ni Roque na wala pa silang impormasyon na nakukuha mula sa kinatawan ng Sinovac tungkol sa mga healthcare workers sa Indonesia na kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19 pero nahawa pa rin at naospital.

“Wala po akong impormasyon tungkol diyan pero siyempre po, lahat po ng balitang nakakalap natin pinag-aaralan ng ating mga dalubhasa,” ani Roque.

vuukle comment

COVID-19 VACCINE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with