200K National IDs ipinamahagi na
MANILA, Philippines — Ipinamahagi na ang Philippine Identification System (PhilSys) cards sa may 200, 000 Pinoy na nagparehistro sa ahensiya.
Ayon kay Philippine Statistics Authority (PSA) Assistant Secretary at Deputy National Statistician Rosalinda Bautista na iniulat sa ahensiya ng Philippine Postal Corp. (Philpost) na ang may 200,000 registrants ay tumanggap na ng kanilang ID at mayroon pang dagdag na 200,000 IDs ang takda nilang maipamahagi.
Ang registration para sa Philsys ID ay nagsimula noong October 2020 at ang pamamahagi ng National ID ay sinimulan nitong Mayo 2021.
Iniulat din ni Bautista na nakakolekta din sila ng demographic information ng may mahigit sa 35 million na ang 12 million ay mayroon ng biometrics captured.
Target ng PSA na mairehostro ang may 70 million Pinoy sa PhilSys bago matapos ang 2021.
- Latest