^

Bansa

25% income tax sa private schools tinabla ng Kamara

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nagkaisa ang mga mambabatas sa House panel na ibasura ang planong pagpapataw ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ng 25% income tax rate sa mga propriety educational institutions o mga pribadong eskuwelahan sa bansa.

Sa pagpupulong ng House Committee on Ways and Means na pinamumunuan ni 2nd District Albay Rep. Joey Salceda, namagitan ang tax panel para tulungan ang mga private schools sa tamang corporate tax rate upang 1% tax na lamang sa income tax rate sa ilalim ng CREATE Act ang ipataw sa mga ito ng BIR.

Ayon kay Salceda, nilalayon nito ang makalikha ng 12,000 bagong trabaho at masagip ang 21,000 trabaho dahil kung 25% ang ipapataw na tax rate sa mga private schools ay malamang na magsipagsara ang mga ito sa gitna ng pandemya.

Ang planong 25% income tax rate ay nasa ilalim ng BIR Revenue Regulation 5-2021 at nakatakda na sanang ipatupad ng BIR.

 

vuukle comment

BUREAU OF INTERNAL REVENUE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with