_ngayon
^
Kahandaan ng DepEd sa pagbubukas ng klase susuriin ng Senado
Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, layon ng Senate Resolution No. 739 na suriin ang kakayahan ng mga paaralan na maghatid ng dekalidad na edukasyon sa anumang pamamaraan sa school year 2021-2022.
STAR/File

Kahandaan ng DepEd sa pagbubukas ng klase susuriin ng Senado

Gemma Garcia (Pilipino Star Ngayon) - June 14, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Susuriin ng Senado ang kahandaan ng Department of Education (DepEd) para sa muling pagbubukas ng klase ngayong taon.

Ayon kay Sen. Sherwin Gatchalian, chairman ng Senate Committee on Basic Education, Arts and Culture, layon ng Senate Resolution No. 739 na suriin ang kakayahan ng mga paaralan na maghatid ng dekalidad na edukasyon sa anumang pamamaraan sa school year (SY) 2021-2022.

Kahit ito pa ay face-to-face classes o distance learning para masiguro na magiging epektibo ito sa mga hamong kinakaharap ng distance learning, kabilang na ang kakulangan ng gadgets, problema sa kuryente, internet connection, angkop na espasyo sa pag-aaral, at kalidad ng mga modules.

Idinagdag pa ni Gatchalian, na ang kakula­ngan ng pisikal na pakikipag-ugnayan, labis na screen time at pressure ay nagiging sanhi ng depresyon ay kabilang sa mga natukoy na suliranin ngayon sa sektor ng edukasyon.

Tinukoy din ng senador na mayroon din ibang mag-aaral na nasangkot sa “sagot-for-sale” at sa “online sex sale” para makalikom ng pantustos sa distance learning.

Kaya napapanahon na umano para masiguro kung paano magagamit ang ating mga natutunan para masiguro na sa susunod na school year ay magiging mas epektibo ang paghahatid ng edukasyon sa mga kabataan.

DEPED
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with