^

Bansa

Seismic activity sa Mt. Bulusan tumataas

Mer Layson - Pilipino Star Ngayon
Seismic activity sa Mt. Bulusan tumataas
Kahapon ay nakapagtala sila ng 105 na lindol sa paligid ng bulkan sa nakalipas na 24-oras na observation period.
Philstar.com/File Photo

MANILA, Philippines — Nakitaan ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nang pagtaas sa seismic activity sa paligid ng Mount Bulusan sa Sorsogon.

Kahapon ay nakapagtala sila ng 105 na lindol sa paligid ng bulkan sa nakalipas na 24-oras na observation period.

Nananatili pa rin ang Bulusan sa ilalim ng Alert Level Status 1, na nangangahulugan na ito ay nasa abnormal na kondisyon.

Dahil dito, pinaalalahanan ng Phivolcs ang mga local government units (LGUs) at ang publiko na mahigpit na ipinagbabawal ang pagpasok sa 4-kilometer radius Permanent Danger Zone (PDZ) ng bulkan.

Pinayuhan rin nito ang mga residente na naninirahan sa lugar, partikular na sa paligid ng lambak at sa mga river/stream channels sa southeast, southwest at northwest sector ng edifice na maging vigilante laban sa pag-agos ng lahar at ‘sediment-laden stream flows,’ sakaling magkaroon ng malakas at matagal na pag-ulan, kung magkakaroon nga ng phreatic eruption.

vuukle comment

MT. BULUSAN

PHILVOCS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with