_ngayon
^
Pfizer, Moderna vaccines posibleng ipagbili na sa publiko sa Setyembre
Sinabi ni Secretary Carlito Galvez Jr., ang manufacturers ng mga American vaccines na Moderna, Inc. at Pfizer-BioNTech ay nag-aplay na ng “full authorization” status mula sa World Health Organization (WHO).
AFP/Joel Saget

Pfizer, Moderna vaccines posibleng ipagbili na sa publiko sa Setyembre

(Pilipino Star Ngayon) - June 13, 2021 - 12:00am

MANILA, Philippines — Posible nang ipagbili sa publiko ang COVID-19 vaccines na gawa ng Pfizer at Moderna, ayon kay Secretary Carlito Galvez Jr.

Sinabi ni Galvez, ang manufacturers ng mga American vaccines na Moderna, Inc. at Pfizer-BioNTech ay nag-aplay na ng “full authorization” status mula sa World Health Organization (WHO).

Ang mga bakuna na nabibigyan ng full authorization status ng WHO ay puwedeng bilhin ng mga pribadong kompanya at direktang ibenta sa mga consumers.

“Moderna and Pfizer are now applying for full authorization. They might be open commercially by September or October,” ani Galvez.

Sa ngayon ay wala pang bakuna laban sa COVID-19 na pinapayagan sa bansa na ibenta sa publiko dahil emergency use authorization (EUA) lamang ang ibinibigay sa kanila ng Food and Drug Administration (FDA).

Nangangahulugan na lahat ng bakuna laban sa COVID-19 na dumarating sa Pilipinas ay ibinibigay ng libre sa publiko.

Samantala, sinabi rin ni Galvez na maaari nang magsimula sa huling bahagi ng buwan ang pagbabakuna sa mga mahihirap na Filipino na kabilang sa A5 priority group na may kabuuang populasyon na 8.5 milyon.

PFIZER
Philstar
  • Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with