Tag-ulan umpisa na - PAGASA

Kabilang ang mga face masks sa nahakot na mga basura ng mga tauhan ng Manila Department of Public Services na tinangay sa Baseco Beach matapos ang bagyong Dante.
Edd Gumban

MANILA, Philippines — Nagsimula na ang panahon ng tag-ulan sa Pilipinas, ayon sa anunsyo ng PAGASA matapos ma-monitor ang limang araw na tuluy-tuloy na buhos ng ulan sa iba’t-ibang parte ng ating bansa.

Sinasabing nakaapekto ang pagpasok ng bagyong Dante para mapabilis ang pag-uumpisa ng “rainy season”.

Dahil dito, nagbabala ang PAGASA na posibleng makaranas ng higit sa normal na buhos ng ulan sa mga darating na linggo at buwan.

Pero maaari ring magkaroon ng paminsan-minsang mainit na panahon, kapag naitatala ang “monsoon break.”

 

Show comments