Rep. Pulong hinangaan sa tuluy-tuloy na serbisyo

MANILA, Philippines — Labis ang pasasalamat ng mga tauhan ng City Transport and Traffic Management Office (CTTM), police station at Task Force Davao nang pagsumikapan ni Davao 1st District Rep. Paolo “Pulong” Duterte na mapa­mahagian ng bigas ang mga ito kamakailan.

Ang tuluy-tuloy na aruga ang isa sa mga dahilan kung bakit ganon na lang ang suporta at pagmamahal ng mga taga-unang distrito ng Davao kay Rep. Duterte na anak ni Presidente Rodrigo Roa Duterte.

Isang libong sako ng bigas ang napamahagi ng mambabatas sa mga law enforcers na nabibilang sa hanay ng mga magigiting na frontliners.

Kilala si Rep. Duterte o mas kilala sa mga kababayan nito na Manong Pulong sa kabutihan ng kalooban nito sa mga nasa­sakupan nito. Maging sa pamamahagi ng food packs at cash assistance lalo pa ng nagsimula ang pandemya.

“Tayo naman ay tumutupad lamang sa ating sinumpaang tungkulin. At kailangan ng tulong ng ating mga nasasakupan lalo pa sa panahon na tayo ay nasa ilalim pa din ng pandemya,” pahayag ni Rep. Pulong.

Para makatupad sa polisiya na pinatutupad ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang bawat mga sako ay bukud-bukod na pinadala sa mga tanggapan nito.

Show comments