_ngayon
^

Bansa

Explainer: Paano ba mababakunahan vs COVID-19 sa Pilipinas?

James Relativo - Philstar.com
Explainer: Paano ba mababakunahan vs COVID-19 sa Pilipinas?
Residents are screened and vital signs are checked for their first jab of the Sinovac COVID-19 vaccine as part of the vaccine roll out program of the local government at the Ramon Magsaysay High School grounds in Manila on Monday, May 17, 2021.
The STAR/Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Lagi't laging binabanggit ang pagpapabakuna para maabot ang "herd immunity" at malampasan ang coronavirus disease (COVID-19) pandemic — kaso marami pa ring nalilito sa proseso mula pagpaparehistro hanggang pagpapaturok.

Para makaiwas sa kalituhan, narito ang mga dapat mong sundan kung nais maturukan laban sa nakamamatay na virus.

Step 1: Alamin kung saang sektor ka kabilang

Gamit ang priority listing na ito, tignan kung kasama ka sa kasalukuyang libreng binabakunahan laban sa COVID-19.

Habang isinusulat ang artikulong ito, narito ang mga inaasikaso para sa pagpapabakuna:

  • A1 (healthcare workers)
  • A2 (senior citizens)
  • A3 (persons with comorbidities)

Sinasabing sa Hunyo pa magsisimula ang pagtuturok ng mga residenteng A4 (frontline workers) at A5 (indigent o mahihirap).

Abril nang sabihin ni vaccine czar Carlito Galvez na Agosto masisimulang turukan ang "general public."

Step 2: Magparehistro

Kung kasama ka sa mga sektor na pwede nang bakunahan, pwede mo nang simula ang "offline" o "online" registration.

  • Offline: Antayin ang mga umiikot na representatives ng baranggay sa inyong komunidad para sa manual na registration para sa COVID-19 vaccines. Kung nakatira sa subdibisyon, minsa'y may nag-iikot na gwardya ng homeowners association para sa registration.
  • Online: Kung may internet connection, maaaring magparehistro online sa website ng Department of Health (DOH) para sa mas mabilis ang proseso.

Pwede ring hanapin sa mga sumusunod ang inyong lungsod o bayan para sa online registration:

Metro Manila

Bulacan

Laguna

Rizal

Wala ba sa mga listahan ang lugar niyo? Subukang puntahan ang website ng inyong mga lokal na pamahalaan para sa COVID-19 vaccine registration.

Step 3: Ihanda ang requirements

Oras na makakuha ng confirmation sa lugar at oras ng pagpapabakuna gamit pamamagitan ng sulat, text o email, ihanda ang mga sumusunod na bagay:

  • medical clearance at/o reseta (kung may comorbidity)
  • medical clearance (kung may chronic condition gaya ng organ failure, bagong surgery, atbp.)
  • valid ID na merong address
  • papeles na ipinadala sa bahay para sa vaccine confirmation (karaniwang may kalakip na "control number")

Step 4: Pumunta sa bakunahan (unang dose)

Dalhin ang lahat ng mga inihanda sa Step no. 3. Punan ang lahat ng hinihinging detalye sa mga doumentong ibibigay sa vaccination site.

Gawin ang mga sumusunod na bagay:

  • humingi ng vaccine fact sheet at basahin ito
  • sumailalim sa on-site medical screening (blood pressure, temperatura, atbp.) at ibukas sa mga healthcare workers ang iyong medical history
  • magtanong kung merong mga agam-agam bago magpaturok
  • isumite ang nasagutan at napirmahang consent form

Step 5: Magpaturok (unang dose)

Oras na matapos ang lahat sa itaas, tuturukan ka na laban sa COVID-19 sa unang pagkakataon. 'Wag kabahan. Kunin ang ibibigay na "COVID-19 vaccination card" at tignan kung kailan ituturok ang iyong second dose. 

Iklaro sa mga doktor at mga kawani kung saan ibibigay ang iyong second dose (minsan, ibang lugar ito sa kung saan ibinigay ang first dose). 

'Wag munang aalis. Magpahinga at obserbahan ang sarili kung magkakaroon ng anumang side-effects. 'Wag mag-atubiling lumapit sa eksperto sa lugar kung sumama ang pakiramdam. Makinig sa naglelektura kung ano ang aasahang mangyayari sa sarili sa mga susunod na oras at araw.

Step 6: Umuwi

Antayin ang senyales ng mga kawani sa lugar kung pwede nang umuwi matapos ang pagpapahinga.

Obserbahan ang sarili pauwi at pagdating ng bahay. Alalahaning natural ang ilang side-effects gaya ng pagbigat o pananakit ng brasong tinurukan. Maaaring uminom ng paracetamol kung lalagnatin. Hindi bawal ang maligo matapos ang bakuna.

Kung lumala ang pakiramdam, agad na:

  • kumonsulta sa doktor
  • tumawag sa lokal na pamahalaan o hotline ng vaccination site
  • tumawag sa pinakamalapit sa health facility

Step 7: Pumunta sa bakunahan, magpaturok uli

Pagdating ng araw ng second dosage ng COVID-19 vaccine, pumunta sa itinakdang vaccination center sa tamang oras. 

Magdala ng valid ID pati na ang vaccination card na ibinigay sa'yo sa Step no. 5. Sumailalim uli sa health screening pagdating sa lugar.

Alalahanin kung may mga side-effects na naranasan sa unang dose dahil maaari itong itanong sa'yo pagdating doon. Magtanong sa kinauukulan kung meron pa ring kalituhan.

Kung okey na, magpaturok uli sa ikalawang pagkakataon. Magpahinga uli gaya nang dati nang 15-30 minutos at obserbahan kung meron uling side-effects.

Tiyaking na-fill up ang iyong vaccination card bago umalis ng vaccination site.

Step 8: Umuwi at magpahinga, fully vaccinated ka na

Pagkauwi ng bahay, patuloy pa ring obserbahan ang sarili at magpahinga. Kumpleto na ang iyong COVID-19 vaccination. 

Gayunpaman, kakailangan pa ng dalawang linggo (14 araw) bago magsimula ang kumpletong proteksyon mo laban sa COVID-19 vaccines, ayon sa DOH at US Centers for Disease Control and Prevention.

Sumunod pa rin sa lahat ng healthcare protocols gaya ng social distancing, pagsusuot ng face masks at face shield. Pwede ka pa ring tamaan ng COVID-19 matapos ang second dose, ngunit mas protektado ka na rito lalo na sa malulubhang porma nito. Maiiwasan nito nang husto ang posibilidad ng pagkamatay.

COVID-19 VACCINES DEPARTMENT OF HEALTH EXPLAINER NOVEL CORONAVIRUS
Philstar
  • Latest
Latest
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with