^

Bansa

General population, kahit dayuhan, tuturukan vs COVID-19 'simula Agosto' — vaccine czar

James Relativo - Philstar.com
General population, kahit dayuhan, tuturukan vs COVID-19 'simula Agosto'  � vaccine czar
Mayor Joy Belmonte together with Interior Undersecretary Nestor Quinsay leads the inspection of the newly launched QC ProtekTodo Bus or a vaccination bus at Payatas B, Quezon City on Monday, April 26, 2021.
The STAR/Boy Santos

MANILA, Philippines — Tiniyak ni vaccine czar Carlito Galvez Jr. na pwede nang bakunahan laban sa COVID-19 vaccine ang karaniwang tao sa Pilipina pinakamaaga apat na buwan mula ngayon, kahit na ano pa ang nationality.

Ito ang inilahad ni Galvez sa isang virtual briefing habang inilalahad ang bultu-bultuhang pagdating ng COVID-19 vaccines pagdating ng Agosto.

"Very confident po kami na makukuha po natin by August. Magkakaroon po tayo ng general public vaccination," wika ni Galvez, Huwebes.

"By August, nakikita po natin pagka dumagsa na po 'yung ating mga bakuna, mahihirapan po tayo... kung ating ili-limit pa by segments ang ating mga target. Kasi nakikita po natin 'yan sa mga experience ng ibang bansa, sinasabi nga ng Israel at US, kailangan ilagay na natin sa... general public."

Kasalukuyang mga healthcare workers, may comorbidites at senior citizens pa lang ang tinuturukan sa ngayon, habang tinatayang Mayo magsisimula ang immunization ng A4 priority sector.

Ngayong araw lang nang makatanggap ang Pilipinas ng dagdag pang 500,000 na bakuna kontra-COVID-19 mula sa Tsina sa pamamagitan ng kumpanyang Sinovac Biotech.

Bagsakan ng bagong bakuna nasa Hunyo

Bukod pa riyan, madaragdagan pa ito ng 1.5 milyong doses galing sa parehong Chinese manufacturer simula ika-7 ng Mayo, ayon pa kay presidential spokersperson Harry Roque kanina.

Aabot na sa 25 milyong bakuna mula sa Sinovac ang nabili ng Pilipinas mula sa Sinovac, maliban pa sa 1 milyong natanggap bilang donasyon. Ika-1 ng Mayo naman ay darating na rin ang 15,000 doses ng Sputnik V vaccines mula Galeya, maliban pa sa 1-2 milyong darating sa sunod na buwan.

Nasa 9-10 milyong bakuna naman ang inaasahang dumating simula Hunyo, kasama ang mga unang lapag ng Moderna (194,000) at Pfizer vaccines (2.35 milyon) mula COVAX.

"Best case scenario, kasama ang COVAX, makakaya natin makakuha ng 180 million [na bakuna] by the end of the year," dagdag pa ni Galvez.

Kahit hindi Pilipino, saklaw

Dahil inaasahang pagdami ng bakuna sa Pilipinas, damay na rin sa makikinabang sa general population vaccination ang mga hindi Pilipino ngunit nasa bansa.

"Kailangan bigyan po natin sila ng equal protection kasi sila rin po ay nagco-compete din sa ating [mga] ospital," paliwanag pa ni Galvez.

"Ang ginagawa rin po natin, recoprocity. Ang ating mga [overseas Filipino workers]... natin sa bansa ay binabakunahan na rin po nila."

Aniya, nakapagsimula na ring makapagturok ng bakuna laban sa COVID-19 sa Pilipinas kahit sa mga dayuhan basta na nasa A3 priority, o mga merong ibang komplikasyon sa kalusugan.

Umabot na sa 1.02 milyon ang tinatamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, ayon sa huling taya ng Department of Health nitong Miyerkuyles. Sa bilang na 'yan, patay na ang 17,031.

vuukle comment

CARLITO GALVEZ JR.

COVID-19 VACCINES

NOVEL CORONAVIRUS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with